3.27.2010

KFC Blue Wave Branch Stinky Restroom

0 comments
Ito na yata ang pinaka mabahong kubeta na naamoy ko sa lahat ng mga fastfood sa Metro Manila. Ang baho talaga ng restroom nila sa 2nd floor. Di ko mawari na nagawa pa nilang buksan ang pinto para siguro sumingaw at malanghap ng mga kumakain sa ikalawang palapag ng KFC Bluewave branch sa Pasay. Hindi talaga katanggap katanggap ang amoy. Hindi ako maselan sa amoy, at ako'y mapagtiis na tao, ngunit hindi ko talaga kinaya ang tindi ng alingasaw ng baho ng kanilang kubeta. The stench is unbearable!

1.21.2010

Isuzu Trooper MLP 636

0 comments

At sino naman itong ungas, ignorante at ubod ng yabang na ito. Sakay ng Isuzu Trooper na may plakang MLP 636 hawak ng lalake na ito ang isang baril habang pinapa iral ang Gun Ban dahil sa papalapit na halalan. Mahuli sana ang hayop na ito.

Lapida ng Barangay

0 comments
Dahil nalalapit nanaman ang halalan, nagsitatayuan nanaman ang mga lapida sa bawat barangay. matitingkad ang kulay at bagong bagong. Kahit na nasa malayo ka ay makikita mo at maamoy ang bagong pintura.
Hindi ko talaga malaman kung bakit kailangan pa ang mga ganitong bagay. Para sa akin ay isa itong pagtatapon ng pera mula sa kaban ng bayan.

12.14.2009

Globe Telecom, Anong Problema Nyo?

0 comments
Simula ng bagyong Ondoy noong September 2009, sa di ko maipaliwanag na dahilan kung bakit ubod na ng pangit ng SIGNAL ng GLOBE Telecom. Mahina lagi ang kanilang signal mag mula noon. Kung hindi man mahina, intermitent or fluctuating ang signal. Hindi ko alam kung anong nangyari sa kanilangteknolohiya at mga kagamitan. Ako ay lubhang nalulungkot sa uri ng serbisyo na aking nakukuha mula sa kanila. Hindi ito ang Globe na aking nakilala, iabng iba na sya. Hindi na siya ang Globe na aking unang GSM provider mag mula pa noon buhat ng ako ay magkaroon ng cellphone. Ang dati ko kung pinagmamalaki na mahusay, maganda at mataas na kalidad ng serbisyo ay hindi ko na nakikita ngayon.

Globe,
Ano ba nangyari sa inyo mula ng bumagyo? natangay ba nito ang kalahati ng bilang  ng mga cellsite nyo? Kung gayun man, hindi nyo ba kayang palitan? Meron bang nangyayari sa Globe na hindi alam ng mga subscribers? Meron bang cost cutting measures? Kasama ba ito sa inyong mga pamamaraan sa pagtitipid? Ang tipirin ang mga subscribers?

Hindi lamang ako, na isang Don ang nakakaranas nito. Marami rin sa aking mga kaibigan. Hindi rin ito isolated case fito sa kalakhang Maynila sapagkat marami na rin akong nakuha, narinig at nabasang reklamo mula sa iba't ibang parte ng Pilipinas: Luzon, Visayas at Mindanao.

Sana gawan nyo ito ng paraan. Hindi dahil maraming nagrereklamo, kundi dahil iyon ang nararapat. Kung hindi nyo kayang ibigay ang pinaka mataas na kalidad ng serbisyo, wala kayong karapatan na ihayag sa mga advertisements na kayo ang numero uno at mahusay ang serbisyo. Isa iyong kabulaanan at panlilinlang sa taong bayan.

P.S. Nagaaway kami ng minamahal ko dahil sa mahina nyong signal. Chappy daw ako (ang line ko) sa tuwing kami ay mag uusap. Hindi nya ako maunawan at marinig sa kabilang linya. Kaya, kung maari aksyonan nyo na ito. Kasi nagiging personal na ang problema, pati relasyon ko pinanghimasukan nyo na.

Don Reklamador

12.12.2009

Puregold QI Central

0 comments
Meron ako mga naririnig na hindi maganda sa customer service ng puregold QI Central. Ayun sa aking kibigan, nabastos daw ang kanyang kapatid ng isang kahera (cashier) ng puregold.

Humihingi daw ng barya ang kahera dahil walang panukli, at ng walang maibigay na barya, marami daw kuskos balungos ang kahera at nagdabog pa raw.

Hindi ito magandang balita at hindi nakakatuwang maranasan.

12.08.2009

Txt BIG to 2332

0 comments
Eto ang mga spammer / scammer na nagtetext sa SMART phone ko:

0939.641.7469
0921.493.9269


Mag txt raw ako ng BIG to 2332.

Epal ka!

12.06.2009

Kanin Club - Paseo de Santa Rosa

0 comments
Kahapon galing kami magkakaibigan sa isang sleep over Christmas Party sa Santa Rosa, Laguna dumaan kami ng Tagaytay para bumili ng mga prutas. Sa aming pag uwi huminto kami sa Paseo de Santa Rosa upang mamili sa mga outlet stores duon at kumain ng tanghalian.

Napagpasyahan namin na kumain sa Kanin Club. Hindi ko akalain na ganun pala ang serbis duon. Ubod ng tagal, mga kalahating oras namin hinintay ang aming order na pagkain. Hindi namin alam kung namalengke pa sila ng gulay para sa sinigang o nangisda pa ng tahong para sa order naming Seafood kare-kare.

Mag aala-una na ng hinayin ang aming pagkain. Naiintindihan ko na maraming tao kasi nga oras ng panang halian. Ngunit hindi sapat na dahilan yun upang mamuti ang aming mga mata sa paghihintay ng aming mga kumakalam na tiyan. Kulang nalang ay lumabas ang mga sawa sa bituka nmin at lamunin ng buhay ang mga waiter at crew ng Kanin Club. Kung hindi pa sasadyain ng kaibigan kung lumapit sa counter at i follow-up ang aming order hindi pa siguro magdadali dali ang mga ito sa pag labas ng aming mga order.

Masarap pa naman sana ang pag kain, ngunit nawalan na kami ng gana sa gutom at labis na pagkadismaya sa serbisyo na aming naranasan sa Kanin Club sa Paseo de Santa Rosa.

Muntik ko na makalimutan, na puro taba at chicharon ang laman ng crispy dinuguan nila. Para akong may petroleum jelly sa labi pagkatapos kumain na sinundan ng malamig na tubig na umabot rin ng 48 na taon bago dumating.
 
Copyright © Don Reklamador | Theme by BloggerThemes & simplywp | Sponsored by BB Blogging