12.14.2009

Globe Telecom, Anong Problema Nyo?

Simula ng bagyong Ondoy noong September 2009, sa di ko maipaliwanag na dahilan kung bakit ubod na ng pangit ng SIGNAL ng GLOBE Telecom. Mahina lagi ang kanilang signal mag mula noon. Kung hindi man mahina, intermitent or fluctuating ang signal. Hindi ko alam kung anong nangyari sa kanilangteknolohiya at mga kagamitan. Ako ay lubhang nalulungkot sa uri ng serbisyo na aking nakukuha mula sa kanila. Hindi ito ang Globe na aking nakilala, iabng iba na sya. Hindi na siya ang Globe na aking unang GSM provider mag mula pa noon buhat ng ako ay magkaroon ng cellphone. Ang dati ko kung pinagmamalaki na mahusay, maganda at mataas na kalidad ng serbisyo ay hindi ko na nakikita ngayon.

Globe,
Ano ba nangyari sa inyo mula ng bumagyo? natangay ba nito ang kalahati ng bilang  ng mga cellsite nyo? Kung gayun man, hindi nyo ba kayang palitan? Meron bang nangyayari sa Globe na hindi alam ng mga subscribers? Meron bang cost cutting measures? Kasama ba ito sa inyong mga pamamaraan sa pagtitipid? Ang tipirin ang mga subscribers?

Hindi lamang ako, na isang Don ang nakakaranas nito. Marami rin sa aking mga kaibigan. Hindi rin ito isolated case fito sa kalakhang Maynila sapagkat marami na rin akong nakuha, narinig at nabasang reklamo mula sa iba't ibang parte ng Pilipinas: Luzon, Visayas at Mindanao.

Sana gawan nyo ito ng paraan. Hindi dahil maraming nagrereklamo, kundi dahil iyon ang nararapat. Kung hindi nyo kayang ibigay ang pinaka mataas na kalidad ng serbisyo, wala kayong karapatan na ihayag sa mga advertisements na kayo ang numero uno at mahusay ang serbisyo. Isa iyong kabulaanan at panlilinlang sa taong bayan.

P.S. Nagaaway kami ng minamahal ko dahil sa mahina nyong signal. Chappy daw ako (ang line ko) sa tuwing kami ay mag uusap. Hindi nya ako maunawan at marinig sa kabilang linya. Kaya, kung maari aksyonan nyo na ito. Kasi nagiging personal na ang problema, pati relasyon ko pinanghimasukan nyo na.

Don Reklamador

0 comments:

Post a Comment

 
Copyright © Don Reklamador | Theme by BloggerThemes & simplywp | Sponsored by BB Blogging