12.06.2009

R&E Taxi

Ngayong umaga, hinatid ko ang aking girlfriend sa Buendia bus station, sumakay kami ng taxi mula sa Sampaloc, Manila.

Wala naman siyang reklamo sa una at mukhang mainggat naman magmaneho. Ngunit ng dumating kami ng Buendia at baba na, inabot ng girlfriend ko ang bayad na buong 500 piso sa driver. Bigla nalang tumaas ang kanyang boses at sinabi na babkit hindi raw kami nag sabi na buo ang aming pera dahil umagang umaga daw, at wala pa siyang panukli.Dapat daw pag sakay palang nmin sinabi na raw namin na buo ang aming pera at wala kaming barya.

Hindi ko alam na dapat pala ganun sa R&E Taxi dito sa Manila. Sa halip na bumaba na kami at maghanap sya ng barya panukli, inikot nya kaming muli sa Buendia at nag U-turn sa isang gasolinahan upang magpabarya. Sa pag ikot na yun ay higit na mabilis ang kanyang patakbo at ramdam mo ang galit sa pamamagitan ng kanyang pagmamaneho.

Sa pangyayaring ito, masasabi ko na mayabang ang taxi driver ng R&E Taxi, plate number: TXX-399. Bastos at arogante. Di nararapat sa isang marangal na trabaho tulad ng driver ang kanyang pag uugali. Isa syang lamat o mantsa sa R&E taxi company at sa lahat ng mga mabubuting driver dito sa Maynila.

Hindi ko alam na obligasyon pala ng pasahero ang barya at panukli sa mga taxi driver. Isa pala itong problema ng mga pasahero kung umaga palang o gabi man, kalalabas palang nila o gagarahe na.

R&E Taxi, plate number TXX-399
Date/Time: Dec 7, 2009, 9am to 10am
Route: Balic-balic, Sampaloc, Manila to RRCG Bus Terminal along Gil Puyat Ave. (Buendia)

Nasira umaga ko sa kanya, bwisit!

0 comments:

Post a Comment

 
Copyright © Don Reklamador | Theme by BloggerThemes & simplywp | Sponsored by BB Blogging