12.06.2009

Kanin Club - Paseo de Santa Rosa

Kahapon galing kami magkakaibigan sa isang sleep over Christmas Party sa Santa Rosa, Laguna dumaan kami ng Tagaytay para bumili ng mga prutas. Sa aming pag uwi huminto kami sa Paseo de Santa Rosa upang mamili sa mga outlet stores duon at kumain ng tanghalian.

Napagpasyahan namin na kumain sa Kanin Club. Hindi ko akalain na ganun pala ang serbis duon. Ubod ng tagal, mga kalahating oras namin hinintay ang aming order na pagkain. Hindi namin alam kung namalengke pa sila ng gulay para sa sinigang o nangisda pa ng tahong para sa order naming Seafood kare-kare.

Mag aala-una na ng hinayin ang aming pagkain. Naiintindihan ko na maraming tao kasi nga oras ng panang halian. Ngunit hindi sapat na dahilan yun upang mamuti ang aming mga mata sa paghihintay ng aming mga kumakalam na tiyan. Kulang nalang ay lumabas ang mga sawa sa bituka nmin at lamunin ng buhay ang mga waiter at crew ng Kanin Club. Kung hindi pa sasadyain ng kaibigan kung lumapit sa counter at i follow-up ang aming order hindi pa siguro magdadali dali ang mga ito sa pag labas ng aming mga order.

Masarap pa naman sana ang pag kain, ngunit nawalan na kami ng gana sa gutom at labis na pagkadismaya sa serbisyo na aming naranasan sa Kanin Club sa Paseo de Santa Rosa.

Muntik ko na makalimutan, na puro taba at chicharon ang laman ng crispy dinuguan nila. Para akong may petroleum jelly sa labi pagkatapos kumain na sinundan ng malamig na tubig na umabot rin ng 48 na taon bago dumating.

0 comments:

Post a Comment

 
Copyright © Don Reklamador | Theme by BloggerThemes & simplywp | Sponsored by BB Blogging