Simula ng bagyong Ondoy noong September 2009, sa di ko maipaliwanag na dahilan kung bakit ubod na ng pangit ng SIGNAL ng GLOBE Telecom. Mahina lagi ang kanilang signal mag mula noon. Kung hindi man mahina, intermitent or fluctuating ang signal. Hindi ko alam kung anong nangyari sa kanilangteknolohiya at mga kagamitan. Ako ay lubhang nalulungkot sa uri ng serbisyo na aking nakukuha mula sa kanila. Hindi ito ang Globe na aking nakilala, iabng iba na sya. Hindi na siya ang Globe na aking unang GSM provider mag mula pa noon buhat ng ako ay magkaroon ng cellphone. Ang dati ko kung pinagmamalaki na mahusay, maganda at mataas na kalidad ng serbisyo ay hindi ko na nakikita ngayon.
Globe,
Ano ba nangyari sa inyo mula ng bumagyo? natangay ba nito ang kalahati ng bilang ng mga cellsite nyo? Kung gayun man, hindi nyo ba kayang palitan? Meron bang nangyayari sa Globe na hindi alam ng mga subscribers? Meron bang cost cutting measures? Kasama ba ito sa inyong mga pamamaraan sa pagtitipid? Ang tipirin ang mga subscribers?
Hindi lamang ako, na isang Don ang nakakaranas nito. Marami rin sa aking mga kaibigan. Hindi rin ito isolated case fito sa kalakhang Maynila sapagkat marami na rin akong nakuha, narinig at nabasang reklamo mula sa iba't ibang parte ng Pilipinas: Luzon, Visayas at Mindanao.
Sana gawan nyo ito ng paraan. Hindi dahil maraming nagrereklamo, kundi dahil iyon ang nararapat. Kung hindi nyo kayang ibigay ang pinaka mataas na kalidad ng serbisyo, wala kayong karapatan na ihayag sa mga advertisements na kayo ang numero uno at mahusay ang serbisyo. Isa iyong kabulaanan at panlilinlang sa taong bayan.
P.S. Nagaaway kami ng minamahal ko dahil sa mahina nyong signal. Chappy daw ako (ang line ko) sa tuwing kami ay mag uusap. Hindi nya ako maunawan at marinig sa kabilang linya. Kaya, kung maari aksyonan nyo na ito. Kasi nagiging personal na ang problema, pati relasyon ko pinanghimasukan nyo na.
Don Reklamador
12.14.2009
12.12.2009
Puregold QI Central
at 11:00 PM Labels: Complaint, Customer Service, Puregold, QI Central 0 comments
Meron ako mga naririnig na hindi maganda sa customer service ng puregold QI Central. Ayun sa aking kibigan, nabastos daw ang kanyang kapatid ng isang kahera (cashier) ng puregold.
Humihingi daw ng barya ang kahera dahil walang panukli, at ng walang maibigay na barya, marami daw kuskos balungos ang kahera at nagdabog pa raw.
Hindi ito magandang balita at hindi nakakatuwang maranasan.

12.08.2009
12.06.2009
Kanin Club - Paseo de Santa Rosa
at 9:37 PM Labels: Food, Kanin Club, Paseo de Santa Rosa, Service 0 comments
Kahapon galing kami magkakaibigan sa isang sleep over Christmas Party sa Santa Rosa, Laguna dumaan kami ng Tagaytay para bumili ng mga prutas. Sa aming pag uwi huminto kami sa Paseo de Santa Rosa upang mamili sa mga outlet stores duon at kumain ng tanghalian.
Napagpasyahan namin na kumain sa Kanin Club. Hindi ko akalain na ganun pala ang serbis duon. Ubod ng tagal, mga kalahating oras namin hinintay ang aming order na pagkain. Hindi namin alam kung namalengke pa sila ng gulay para sa sinigang o nangisda pa ng tahong para sa order naming Seafood kare-kare.
Mag aala-una na ng hinayin ang aming pagkain. Naiintindihan ko na maraming tao kasi nga oras ng panang halian. Ngunit hindi sapat na dahilan yun upang mamuti ang aming mga mata sa paghihintay ng aming mga kumakalam na tiyan. Kulang nalang ay lumabas ang mga sawa sa bituka nmin at lamunin ng buhay ang mga waiter at crew ng Kanin Club. Kung hindi pa sasadyain ng kaibigan kung lumapit sa counter at i follow-up ang aming order hindi pa siguro magdadali dali ang mga ito sa pag labas ng aming mga order.
Masarap pa naman sana ang pag kain, ngunit nawalan na kami ng gana sa gutom at labis na pagkadismaya sa serbisyo na aming naranasan sa Kanin Club sa Paseo de Santa Rosa.
Muntik ko na makalimutan, na puro taba at chicharon ang laman ng crispy dinuguan nila. Para akong may petroleum jelly sa labi pagkatapos kumain na sinundan ng malamig na tubig na umabot rin ng 48 na taon bago dumating.

Ngayong umaga, hinatid ko ang aking girlfriend sa Buendia bus station, sumakay kami ng taxi mula sa Sampaloc, Manila.
Wala naman siyang reklamo sa una at mukhang mainggat naman magmaneho. Ngunit ng dumating kami ng Buendia at baba na, inabot ng girlfriend ko ang bayad na buong 500 piso sa driver. Bigla nalang tumaas ang kanyang boses at sinabi na babkit hindi raw kami nag sabi na buo ang aming pera dahil umagang umaga daw, at wala pa siyang panukli.Dapat daw pag sakay palang nmin sinabi na raw namin na buo ang aming pera at wala kaming barya.
Hindi ko alam na dapat pala ganun sa R&E Taxi dito sa Manila. Sa halip na bumaba na kami at maghanap sya ng barya panukli, inikot nya kaming muli sa Buendia at nag U-turn sa isang gasolinahan upang magpabarya. Sa pag ikot na yun ay higit na mabilis ang kanyang patakbo at ramdam mo ang galit sa pamamagitan ng kanyang pagmamaneho.
Sa pangyayaring ito, masasabi ko na mayabang ang taxi driver ng R&E Taxi, plate number: TXX-399. Bastos at arogante. Di nararapat sa isang marangal na trabaho tulad ng driver ang kanyang pag uugali. Isa syang lamat o mantsa sa R&E taxi company at sa lahat ng mga mabubuting driver dito sa Maynila.
Hindi ko alam na obligasyon pala ng pasahero ang barya at panukli sa mga taxi driver. Isa pala itong problema ng mga pasahero kung umaga palang o gabi man, kalalabas palang nila o gagarahe na.
R&E Taxi, plate number TXX-399
Date/Time: Dec 7, 2009, 9am to 10am
Route: Balic-balic, Sampaloc, Manila to RRCG Bus Terminal along Gil Puyat Ave. (Buendia)
Nasira umaga ko sa kanya, bwisit!

Ginawa ko ang blog na ito para sa lahat ng aking mga reklamo at hinaing sa mundo na nais kung ibahagi sa lahat.
Sana maunawaan nyo ang aking mga blogpost at ipagpaumanhin nyo ang pag gamit ko ng mga di magagandang salita.
Kung meron kayong nais ibahagi na reklamo at katulad na karanasan, huwag po kayong mag atubili na mag iwan ng comment.
Marami pong salamat.

Subscribe to:
Posts (Atom)